Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang hindi kilalang lalaki makaraang ma-hit and run at ilang beses pang masagasaan ng mga sasakyan sa Pasay City, kahapon ng madaling araw.

Napisak ang ulo at nagkahiwa-hiwalay ang katawan ng lalaking nasa edad 30-35, may taas na 4’9”, kayumanggi, at nakasuot ng itim na pantalon at T-shirt.

Sa inisyal na pagsisiyasat ni SPO2 Marilou Sandrino Intia, ng Pasay City Traffic Unit, dakong 1:47 ng umaga nang natagpuan ang lasug-lasog na katawan ng biktima sa Roxas Boulevard, sa tapat ng Cuneta Astrodome.

Sinabi ni Intia na hindi naplakahan ang unang nakasagasa sa biktima, na minalas na magulungan ng iba pang motorista kaya nagkaputul-putol na ang mga bahagi ng katawan nito.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nakalagak ang labi ng biktima sa Veronica Funeral Homes upang suriin.

Sinisilip na rin ng awtoridad ang CCTV footages sa lugar upang tukuyin ang unang sasakyan na nakasagasa sa biktima at papanagutin ang driver nito. (Bella Gamotea)