VICTORIA, Tarlac – Kinasuhan ng paglabag sa RA 9262 o Anti-Violence Against Women and Children ang isang mister na nanakit sa kanyang misis matapos itong tumangging makipagtalik sa kanya sa Barangay Maluid, Victoria, Tarlac.

Pormal na nagsampa ng reklamo sa pulisya ang 19-anyos na misis laban sa asawa niyang si Alvin Tapang, 21, ng nasabing barangay.

Sa imbestigasyon ni PO1 Catherine Joy Quijano, dakong 3:00 ng hapon nitong Biyernes nang lapitan ng suspek ang asawa at pinilit na magtalik sila, pero tumanggi ang ginang kaya nagwala si Tapang at binugbog ang biktima.

(Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog