DIREK FRASCO, MARCO AT DIREK_please crop oput the photo bomber hehe copy copy

KAHIT anong pangungulit ng reporters kay Sylvia Sanchez na mainterbyu siya sa last taping day ng Super D ay hindi siya pumayag. Lumapit lang siya para bumati at pagkatapos ay umalis na sa umpukan ng entertainment media.

Interesado ang mga katoto kay Ibyang dahil sa trending na trailer ng The Greatest Love serye na. Napakaraming nagsasabi na affected sila sa tema ng upcoming serye. Siya ang bida sa The Greatest Love bilang ina na nagkaroon ng Alzheimer’s disease.

Pero ang katwiran ng aktres, hindi siya ang bida sa Super D at ayaw niyang mang-agaw ng moment nina Dominic Ochoa at Marco Masa.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Maraming humanga sa aktres dahil marunong siyang rumespeto sa kapwa niya artista at alam niya kung kailan hindi puwedeng umeksena.

Pero may item pa rin kami tungkol kay Ibyang dahil naalala namin ang mga papuring kuwento niya tungkol sa happy set ng Super D na puring-puri niya ang cast and crew at walang naramdamang anumang tensiyon kahit nahihirapan na sila sa harness.

Inilarawan ni Ibyang na cool directors sina Direk Lino Cayetano at Direk Frasco Mortiz dahil pareho pang bagets kaya masayang katrabaho. Gustung-gusto ni Ibyang ang dalawa dahil bukod sa mahuhusay na direktor ay sila rin ang uri ng mga tatay ang hinahangaan niya.

Nabanggit din ito ni Direk Lino, na kapag breaktime ay panay ang kuwentuhan nila ni Direk Frasco tungkol sa kanya-kanyang anak.

Hindi nangarag si Ibyang sa taping ng Super D dahil, “Ang aga kaya naming umuuwi, mga 11 PM tapos na kami mag-taping.

Kasi siyempre ‘yung mga direktor, gusto na ring umuwi para makasama pamilya nila. Kaya enjoy kaming lahat sa taping ng Super D, maaga umuwi, ha-ha-ha.”

Si Marco naman daw, wala pang 8 PM ay umuuwi na o mas maaga pa lalo na kung wala nang eksena kaya walang kinaharap na problema ang Super D. (Reggee Bonoan)