“SANA malasing ulit si ______ (kilalang komedyante) para maghatag siya ng datung,” natatawang kuwento ng aming kaibigan na naabutan ng pera ng bida sa blind item natin ngayon.

Ito ang buong istorya:

“Dumating si _____ (kilalang komedyante) sa _____ (kilalang spa) na lasing na lasing at kumain na parang isang araw hindi kumain kasi gutom na gutom.

“Mag-isa lang siyang kumakain, ‘tapos nakaramdam ng hindi maganda, nagtatakbo papunta sa men’s room, eh, hindi umabot sa loob ng banyo, nagkalat! Hayun, naloka ang lahat ng nakakita, pati mga staff, inalalayan siya kasi aircon ‘yun (spa).

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Pinagpapawisan sa hiya si _____ (kilalang komedyante), siguro nawala kalasingan niya, panay ang hingi ng sorry at tawad sa supervisor at sa lahat ng taong nakakita.

“Sobrang nakiusap, hayun namigay ng datung, tig-1k lahat, o di ba, panalo. Ilang 1k ‘yung inabutan ha-ha-ha-ha.”

Nakakainis ‘tong kaibigan namin, Bossing DMB, hindi naman kasi binanggit na tungkol sa ‘pupu’ ang kuwento niya, e, kumakain pa naman kami ng lunch kahapon, yuck!

Hindi tuloy namin alam kung ano ang magiging reaksiyon namin kapag masasalubong namin ang kilalang komedyante na nagkataong tsika namin.

Dapat kasi bago uminom, may laman ang tiyan para hindi magutom at sumakit ang tiyan. As if naman umiinom ako para makapagbigay ng advice, ha-ha-ha. (Reggee Bonoan)