LAS VEGAS (AP) — Ginulat ni Eddie Alvarez ang mixed martial arts fans nang gapiin ang pamosong si Rafael Dos Anjos via Stoppage sa unang round ng kanilang duwelo sa UFC lightweight championship nitong Huwebes (Biyernes sa Manila).

Nangailangan lamang si Alvarez (28-4) ng 3:49 para maitala ang upset win kay Dos Anjos (24-8), ang Brazilian champion na may five-fight winning streak. Mabilis ang naging galaw ni Alvarez , sapat para maagang mapatamaan si Dos Anjos ng matitinding kombinasyon.

Nakopo ni Alvarez ang world title sa ikaapat na laban sa UFC, na kanyang nilipatan noong 2014 mula sa dating promosyon na Bellator.

Samantala, papalitan ni Anderson Silva si Jon Jones sa UFC 200 kontra light heavyweight champion Daniel Cormier.

Ilang volleyball stars pina-auction jersey; tulong sa player na may liver cancer

Inalis sa fight card si Jones nang magpositibo sa doping test.

Tangan ng 41-anyos na si Silva ang 33-7 karta.