Matapos makakuha ng search warrant mula sa isang lokal na korte, sinalakay ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang pinaghihinalaang drug den sa Cebu City, at naaresto rito ang sampung katao.

Sinabi ni PDEA Director General Isidro Lapena na ang bahay, na nagsisilbi ring drug den sa Barangay Carreta, Cebu City, ay pag-aari at minamantine ni Lucia Leonado, alyas “Lucy Rondina”, 50 anyos.

Naaresto si Leonado ng mga operatiba ng PDEA Regional Office 7, sa pamumuno ni Director Ronald DG Ricardo, sa bisa ng search warrant na inilabas ng korte.

Naaktuhan ng awtoridad habang bumabatak ng shabu sina Oscar Enecio, 20; Renato Flordeliz, 49; Renante Gitgano, 37; Jason Hercisio, 24; Rutchel Abella, 39; Frankelino Basilliote, 25; Maria Nieves Carinea, 42; Raymond Ligan, 26; at Archie Sarmiento, 20 anyos.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nakumpiska sa mga suspek ang apat na sachet ng shabu na may timbang na 100 gramo at nagkakahalaga ng P236,000, sari-saring drug paraphernalia, tatlong mobile phone at P92,000 cash.

Ayon sa PDEA, kumikita ang shabu den ng halos P15,000 kada araw sa ilegal na operasyon. (Chito A. Chavez)