Isinailalim sa public storm warning signal (PSWS) No. 1 ang Batanes Group of Islands (BGI) dahil sa bagyong “Butchoy.”

Paliwanag ni weather specialist Aldzar Aurelio ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services (PAGASA), huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 860 kilometro sa silangan ng Calayan, Cagayan.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na 195 kilometro kada oras at may bugsong 230 kph. Kumikilos ito pa-Hilagang Kanluran sa bilis na 30 kph.

Ngayong umaga, ang sentro ng bagyo ay inaasahang nasa 305 km sa Silangan-Hilagang Silangan ng Itbayat, Batanes.

Events

Sa pagtakbong senador ni Willie: Wil To Win, magpapatuloy pa ba sa ere?

(Rommel P. Tabbad)