Ian, Jodi, at Richard copy

NAALARMA ang Star Cinema sa pagkalat na kopya ng pelikulang The Achy Breaky Hearts sa Facebook habang ito ay ipinapalabas pa sa mga sinehan nationwide.

Ang pag-post ng buo o bahagi ng pelikula sa social media na walang pahintulot mula sa Star Cinema ay isang uri ng pagnanakaw na labag sa batas.

Mahigpit naming kinokondena ang krimeng ito dahil ito ang dahan-dahang pumapatay sa industriya ng pelikulang Pilipino. Napakasakit nito at isang malaking pinsala sa daan-daang tauhang nagpagod para mabuo ang pelikula para sa mga manonood. Kaya nananawagan kami sa publiko na makiisa sa aming laban kontra piracy.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sa mga makakakita ng illegal na links sa aming pelikula, huwag na itong i-share pa at sa halip ay ipagbigay alam ito sa amin sa pamamagitan ng pag-e-mail sa [email protected]. (STAR CINEMA)