Kumpiyansa si Pangulong Rodrigo Duterte na mapapanalunan ng Pilipinas ang territorial case nito laban sa China sa arbitral tribunal, ngunit inihayag na hinding-hindi tayo makikipagdigmaan sa pinakamakapangyarihang bansa sa Asia.

Nanindigan si Duterte na mas gugustuhin ng gobyerno ang makipag-usap kaysa maglunsad ng karahasan sa pagresolba sa agawan sa teritoryo.

Ihahayag ng Permanent Court of Arbitration sa Hague sa Hulyo 12 ang desisyon nito sa pagkuwestiyon ng Pilipinas sa pag-aangkin ng China sa halos buong West Philippines Sea (South China Sea).

“On the West Philippine Sea, we remain optimistic that the judgment will be in our favor,” sinabi ng Pangulo nitong Martes. “If it’s favorable to us, let’s talk. We are not prepared to go to war. War is a dirty word.”

National

4.4-magnitude na lindol, tumama sa Davao de Oro

Sakaling matalo ang Pilipinas sa arbitration case, sinabi ni Duterte na handa ang gobyerno na tanggapin ang desisyon “as part of a country who honors international commitments.”

“We will proceed accordingly after we shall have the copy of the arbitral judgment. We will always decide on the greater interest of our country. In the meantime, I am just hopeful for that,” aniya. (Genalyn D. Kabiling)