GENERAL SANTOS CITY - Isang opisyal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng hindi pa kilalang mga suspek sa Koronadal City, nitong Lunes ng umaga.

Kinilala ni Koronadal City Police Station chief Barney Condes ang biktima na si Noel Dungca, DENR Region 12 project coordinator na nakabase sa siyudad na ito.

Base sa imbestigasyon, nakasakay ang 54-anyos na si Dungca sa kanyang motorsiklo sa San Antonio Subdivision, Barangay Sta. Cruz, Koronadal City, nang bigla itong dikitan ng dalawang suspek na magkaangkas din sa isang motorsiklo bago pinaputukan, dakong 9:00 ng gabi nitong Lunes.

Nagtamo ang biktima ng mga tama ng bala mula sa .45 caliber pistol sa ulo at katawan, ayon sa pulisya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Hinala ng pulisya, may kinalaman sa droga ang pagpatay kay Dungca subalit tumanggi ang mga ito na tukuyin kung ang biktima ay isang tulak o adik. (Joseph Jubelag)