Cai Cacai Alden Maine Direk Mike at Jasmine copy

NAKAKATUWA ang reaction ng co-stars nina Alden Richards at Maine Mendoza nang makausap sila sa presscon ng Imagine You & Me sa Novotel Hotel Manila. Kasama nina Alden, Maine at Direk Michael Tuviera na humarap sa press sina Jasmine Curtis, Cai Cortez at Kakai Bautista sa presidential table.

Pareho palang hindi alam nina Cai at Kakai kung sino ang makakasama nila sa movie na ini-offer sa kanila ng APT Entertainment, Inc. Biro ng dalawa, work iyon, bakit naman sila tatanggi, kaya laking gulat nila sa story conference nang makita nila sina Alden at Maine.

Pero nakita nila ang totoong Alden at Maine nang magsimula na ang shooting.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Sobra ang energy ng dalawang iyan,” sabi Cai. “Antok na kaming lahat, sila gising pa, lalo si Maine, ewan kung saan niya kinukuha ang kakulitan niya. Si Alden naman, kahit antok na rin, palagi lang nakangiti.

“Pero talagang tuwang-tuwa ako nang malamang sila ang makakasama namin sa movie. It’s a privilege and honor to work with the phenomenal couple at alam kong maraming gusto rin silang makatrabaho. Nakita kong totoo silang tao at walang reklamo sa trabaho. Ang hindi ko malilimutan, iyong noong dapat magsu-shooting na ako with them at hindi ako available, sila pa ang nag-adjust sa schedule ko. Bakit naman hindi mo sila mamahalin, tulad ng pagmamahal ng mga fans nila sa kanila.”

“Ako naman, hindi na nagtanong kung sino ang kasama ko sa movie,” sabi naman ni Kakai. “Pero nang makita ko nga sila, lalo na si Alden na ang guwapu-guwapo, sino ba ang tatanggi? Pero iyon, nakita namin kung paano sila katrabaho. Ako nga sanay na sa puyat, pero itong dalawang ito, iba ang energy nila, mahihiya kang hindi sila sabayan. Kaya makikita ninyo sa movie namin kung paano rin kami nag-enjoy sa mga eksena. Kami kasi mga kasama ni Gara (Maine) na overseas foreign workers at alaga namin siyang tuksuhin nang ma-meet niya si Andrew (Alden) lalo na noong in love na siya pero itinatago niya rito.”

Kahit na-bash noong una si Jasmine dahil sa parang wala siyang ganang mag-promote ng kanilang movie (dahil bawal siyang magsalita tungkol sa roles nila), nag-post si Jasmine ng picture nilang apat -- Alden at Maine at ng boyfriend niyang si Jeff Ortega -- na isinama niya sa shooting sa Italy. Caption niya sa Instagram: “I am proud to be part of the upcoming movie of AlDub. To all my heartwarming followers and supporters catch it on July 13, under APT Productions, Inc. directed by Mike Tuviera.”

Hindi na nga lamang nagtagal sa presscon si Jasmine at nagbeso-beso na siya kina Maine at Alden at Direk Mike, dahil nag-attend sila ng Preview ball na dapat ay nandoon din ang magka-love team pero hindi nila maiwanan ang presscon at may dubbing pa sila ng mga eksenang kinunan sa Metro Manila.

Sayang na wala si Irma Adlawan na kasama rin sa movie, dahil may secret daw siyang nakita one full-moon night habang nasa labas ng Villa Camilla sa Lake Como, Italy sina Alden at Maine.

Ang Imagine You & Me ay produce ng APT Entertainment Inc., GMA Films at M-Zet Television, Inc. May premiere night sila sa July 12 at may sorpresa sila sa fans. Showing sila in cinemas nationwide starting July 13. (NORA CALDERON)