NADOMINA ni Jadamba Narantungalag si Pinoy fighter Eric Kelly. (ONE FC)
NADOMINA ni Jadamba Narantungalag si Pinoy fighter Eric Kelly. (ONE FC)

ANHUI, China – Kasing-bilis ng kidlat ang kinahantungan ng kampanya ni Pinoy featherweight fighter Eric “The Natural” Kelly nang mapuruhan at mapabagsak ni Jadamba Narantungalag ng Mongolia, wala pang isang minuto sa first round ng kanilang duwelo sa ONE Championship: Dynasty of Champions nitong Sabado, sa Hefei Olympic Sports Center dito.

Naitala ng 40-anyos na si Narantungalag ang TKO win sa 44 na segundo para makopo ang ikalawang sunod na panalo mula nang mabitiwan ang ONE Featherweight title kay Marat Gafurov noong Nobyembre 2015.

Nabigo naman si Kelly sa kanyang kampanya na makahirit sa championship match. Nakatakda siyang bigyan ng title fight kung nalusutan si Narantungalag.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

“It’s a big lost, indeed. I missed the chance to fight for the world championship,” sambit ni Kelly.

Sa main event, ginapi ni Huo You Xia Bu si Hao Jie Li para makopo ang ONE Championship Hefei Flyweight Tournament. 

Ang ONE Championship ang pinakamalaki at pinakasikat na mixed martial arts promotion sa Asya. Nakatakdang magsagawa ng dalawang serye ang ONE sa Manila ngayong taon.