Jodi Sta. Maria
Jodi Sta. Maria
DAPAT bigyan ng bonus ang kung sino mang nakaisip na pagsamahin sa iisang movie project, tulad ng Achy Breaky Heart, sina Ian Veneracion, Richard Yap at Jodi Sta. Maria lalo na’t blockbuster ito.

Ayon sa ulat ay P14M ang kinita nito sa opening day. Kapag ganyan kalakas ang opening day, asahan na ang word of mouth promo ng pelikula.

Tagumpay ito para sa buong cast lalung-lalo na kay Jodi Sta. Maria na ngayon lang nakatikim ng lead role sa pelikula at hit movie pa after seventeen years. 

Malaking bagay ang tagumpay na tinamo ng teleseryeng Be Careful With My Heart (with Richard) at Pangako Sa ‘Yo with Ian. Parehong mainit ang ginawang pagtanggap ng publiko sa nabanggit na tambalan.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Kilig na kilig ang mga nakapanood na ng pagsasama ng tatlo sa love triangle story. Nagiging malaking pahulaan kung sino sa dalawang leading men ang pinili ni Jodi. 

Sa takbo ng istorya, naipit si Jodi between sa comebacking ex-boyfriend  (Richard) at new suitor na si Ian.

Tinangkilik ang Achy Breaky Heart dahil muling nahuli ni Direk Tonet Jadaone (whose last movie ay di-gaanong nag-click) ang kahinaan ng moviegoers o ang pulso ng masa. Magaan at nakakaaliw niyang naisiwalat ang kuwento at mensahe nito. At higit sa lahat, natural at kapani-paniwala ang pagsasabuhay nina Ian, Richard at Jodi sa kanilang respective roles.

Hudyat na kaya ito ng pag-akyat ni Jodi sa level na kinalalagyan nina Sarah Geronimo or Bea Alonzo? For someone na tila minamalas sa pakikipagrelasyon, Jodi deserves to be fulfilled sa kanyang showbiz career. --Remy Umerez