Joey at Ian copy

ONLINE stalker kami ng Car Porn King at asawa ng TV host/model na si Joey Mead na si Ian King, na transwoman na ngayon.

Ang last na post ni Ian, “Hey guys, before you hear the rumors, I want to announce that I came out today as a transwoman. I know it’s odd but I’m still the same person inside. Let me know if you have any questions I would be happy to answer them.”

Maraming collection ng luxury cars si Ian at may malaking talyer siya somewhere sa Taguig City at naka-chat pa namin siya tungkol sa vintage care namin na plano naming ipagawa pero nagsabi siya na hindi niya ma-accommodate kaagad dahil fully booked siya sa loob ng walong buwan.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Nababasa namin halos lahat ng kliyente ni Ian ay nagpapasalamat at puro papuri ang sinasabi sa kanya.

Maging ang mga staff niya sa kanyang Victoria Court hotels business ay magaganda lahat ang sinasabi sa tungkol sa kanya at aliw na aliw kami sa post nila ng kanilang Running Man Challenge.

Matatandaang namatay sa helicopter crash ang daddy niyang si Archimedes King sa Batangas noong nakaraang taon.

Kalaunan, napansin naming papalit-palit ng profile picture si Ian sa FB account. Logo ng talyer niya ang prolife photo niya hanggang sa nagpo-post na siya ng mga litrato niya na mahaba ang buhok at iba ang kulay.

Nabanggit pa ng kasama namin na, “Mukhang girl si Ian, magkamukha sila ni Joey Mead.”

Dinedma namin noong una ang obserbasyong iyon dahil uso naman ngayon ang mga lalaking mahahaba ang buhok, pero kapansin-pansin na rin lately ang mga kakaibang post ni Ian nitong mga nakaraang buwan.

Nakita namin ang mga post niya sa Instagram na nakadamit-babae na siya na inisip namin na baka gusto niyang maging kamukha talaga ng asawa niya.

Feeling namin, ang IG account niyang @hailtothe_queen_ (Angelina Mead King) ay dating naka-private dahil ngayon lang namin nakita ang lahat ng post niyang nakadamit-babae siya na kuha sa ibang bansa 192 weeks ago pa. Sa madaling sabi, noong nakaraang taon pa ito at recently lang niya isinapubliko.

Post ni Ian pagkatapos ng female name niyang Angelina Mead King, “The truth will set me free. Transwoman. Thank you for all the love and support!”

Bukod pa sa, ‘Sometimes the King is a Woman.’

Tiningnan namin ang lahat ng pictures ni Ian na nakadamit-babae at in fairness, ang ganda niya, magkasing-ganda sila ng wife niya.

 Anyway, pawang positibo ang nabasa naming komento sa pag-out ni Ian bilang Angelina Mead King at binabati siya sa kanyang desisyon at sa suporta rin ng asawa niya.

 Iisa lang ang ibig sabihin, mabuting tao si Ian kaya hindi siya nakaranas ng pamba-bash.

Goodluck, Ian aka Angelina. (REGGEE BONOAN)