Ni REGGEE BONOAN

Alden at Maine copyPANALO ang grand presscon ng launching movie nina Alden Richards at Maine Mendoza na Imagine Me & You sa Novotel Araneta Center, nagpa-raffle ng bonggang-bongga ang producers nilang APT Entertainment, M-ZET Television at GMA Films bilang pampabuwenas kaya enjoy na enjoy ang entertainment press.

First time naming makadalo sa presscon ng AlDub at natuwa kami sa mga sagot nina Alden at Maine na halatang hindi scripted, katunayan ay nagkakalaglagan pa kaya panay ang tawanan ng lahat.

Tinanong sina Alden at Maine kung kaya bang kumita ng isang bilyon ang ImagineYou & Me dahil nga kumita nang husto ang “Tamang Panahon” na ginanap sa Philippine Arena noong nakaraang taon.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

“Wala pong ganu’n,” mabilis na sagot ni Maine. “Wala pong ganu’n, wala naman tayong ganun’g target.”

“Wala pong ganun’g target,” salo din kaagad ni Alden, “kasi ‘yan din po ang ikinaganda sa mga producers namin, especially kay Tatay po, Mr. (Tony) Tuviera, na pinangarap po ni Mr. Tuviera na makagawa ng ganitong klaseng pelikula, pinangarap niya na magkaroon ng isang pelikula na maisu-shoot po sa Italy.

“So, kung baga, para po kay Mr. T. na nagawa namin ang ganitong pelikula, is more than enough success for us. So, kung baga, ‘yung lahat na lang po ng darating, mag-gross man po ng one billion in Jesus’ name, naku, thank you, Lord.

“And kung mag-break po ng records ‘yung movie, bonus po ‘yun sa amin. Pero the mere fact po na nagawa namin ‘yung pelikula na sobrang hirap -- dumaan po kami sa butas ng karayom sa paggawa nito, hindi po madali lahat – is already a success for us.”

Hirit pa ni Maine, “And ang talagang objective lang naman natin is mapaligaya ‘yung mga taong sumusuporta sa atin from the very beginning. Parang isa nga ito sa anniversary gift natin sa kanila, di ba? So, ayun po, ‘yun lang naman ang gusto namin, na sana po, mapaligaya sila ng pelikulang ito.”

Marami na ang nag-offer na magpa-block screening ng Imagine You & Me. 

“Sobrang dami po. Last time I checked, 57, pero two days ago pa ‘yun. Sobrang nakakatulong,” sabi ng dalaga.

Sabi ni Direk Mike Tuviera, walang pressure na kumita ng malaki ang pelikula dahil giving back the favor sa fans ang first movie ng AlDub para sa suportang ibinigay sa kanila sa loob ng isang taon na.

Tinanong si Alden kung ano ang highlight ng pelikula nila.

“’Yung mga sceneries, ganda po ng locations namin, isa po ‘yun sa highlight ng pelikula,” sagot ng binata.

Dagdag ni Direk Mike, ang kuwento sa kanila ng Italian counterpart nila, ngayon lang nangyari na sumusunod ang fans kina Maine at Alden saan man lumipat ang shooting, hindi katulad nang mag-shoot sina George Clooney at Brad Pitt ng Ocean’s 12 at pati raw mga pelikula ni Johnny Depp.

“They (Pinoy fans) were very nice, sometimes they bring us Pinoy food, kasi some of the cast, pasta everyday and all of that. They would bring adobo,” kuwento ni Direk Mike kung paano sila inasikaso ng fans ng AlDub sa Italy.

Natanong din sina Alden at Maine kung nao-offend ba sila kapag sinasa­bing hindi sila sisikat kung walang ka-love team.

“Ay, hindi po kasi,” sagot ni Maine. “Una po sa lahat, hindi po ako takot na mawala po ‘yung kasikatan ko ngayon. Kasi po, ang purpose ko naman po kaya ko ‘to ginagawa, para magpasaya ng mga tao kasi nakikita ko po silang masaya and nai-inspire ko po sila.

“So, ginagawa ko lang talaga po ‘yung gusto kong gawin, ‘yung pangarap ko po, kung ano po ‘yung nakakapagpasaya sa akin at sa ibang tao. Kung ganu’n man ang mangyari, eh, di support kita. Okay lang po sa akin ang mga ganun’g bagay.”

Umamin si Alden na malaki ang naitulong ni Maine sa career niya.

“Kasi parang the July 16 (2015) was meant for something big. ‘Yung pagkikita po namin ni Maine, and parang ‘yung pagkikita po namin 5 years ago was parang ang galing, eh. Kung baga, natahi po, magic, it’s destiny.

“And kung baga, ‘yung narating ko po ngayon, I’ve been here for so long. Four years po akong gumagawa ng soap, four years na po akong nag-aartista. Pero simula po kasi nu’ng nagkita kami ni Maine, naiba po lahat. From du’n sa dating Alden Richards, ang laki na po ng nabago after what happened to us,” pagtatapat ng binata.

At kung may iba mang i-love team kay Alden pagkatapos ng Imagine You & Me...

“Well, susuportahan ko naman po si Alden kung ano ang gagawin in the future after the movie, susuportahan ko pa rin po siya kahit hindi ako ang kapartner niya,” sabi ni Maine.

Kasabay ng sobrang kasikatan ng AlDub love team ang paglitaw ng bashers, sa anong bira naapektuhan si Maine?

“Well, sa akin ang lagi lang namang bina-bash sa akin ng bashers ‘yung itsura ko, kesyo malaki ang bibig ko, malaki ang tiyan ko, na hindi ako makinis. Pero ‘yun, keri-keri lang ‘yun kasi Diyos ko, panlabas na itsura lang naman ‘yun. Siguro ‘yung ano na lang, ‘pag ‘dinadamay ang family kasi wala naman silang kinalaman dito. Sa sobrang eager na makahanap ng butas, so nadadamay ‘yung mga taong walang kinalaman,” sagot ni Maine.

Nabanggit ng dalaga na mahilig siyang magbasa ng libro at hopeless romantic pa, kaya mga novel ni Nicholas Sparks ang binabasa niya. Kaya rin nakakapagbigay siya ng love advice.

“Siguro po, bukod sa experiences ko, doon na rin ako kumukuha ng hugut-hugot, siyempre mga napapanood ko po, siguro doon lang ako kumukuha,” kuwento ng dalaga.

Indirect namang inamin ni Maine na may boyfriend siya dahil nang tanungin siya nang diretso kung mayroon ay, “Ahhh, tubig...” sabay tawa at taas ng baso.

Lagot, ayaw ng fans na hindi si Alden ang makatuluyan ni Maine.

Samantala, mapanood na ang Imagine You & Me sa Hulyo 13 at makakasama nina Alden at Maine sina Jasmine Curtis-Smith, Cai Cortez, Kakai Bautista at Irma Adlawan mula sa direksiyon ni Mike Tuviera.