BANGUED, Abra - Himalang nakaligtas sa kamatayan ang isang municipal councilor sa kabila ng maraming tama ng bala na natamo nito sa iba’t ibang parte ng katawan, matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang riding-in-tandem sa Magallanes Street sa bayang ito nitong Sabado, ayon sa Abra Police Provincial Office.

Kinumpirma ni Senior Supt. Antonio Bartolome, provincial director, na nagpapagaling na lamang si Bangued Municipal Councilor, Atty. Allen Brix Lopez Bachiller, mula sa tinamo nitong apat na tama ng bala sa katawan, at bantay-sarado sa isang ospital.

Sugatan din ang kapatid niyang si Angelo Bachiller, 22, na nabaril sa hita; gayundin ang isang 12-anyos na lalaki na sa hita rin tinamaan ng ligaw na bala.

Batay sa imbestigasyon, dakong 8:00 gabi at magkasama ang magkapatid, sakay sa Toyota Innova, nang barilin ang konsehal at ang kapatid nito.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Inaalam pa ang motibo sa krimen. (Rizaldy Comanda)