Dadaan pa rin sa tamang proseso ang mga sumusukong drug personality kaugnay ng mahigpit na kampanya ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa ilegal na droga.

Sinabi ni Department of Justice (DoJ) Secretary Vitaliano Aguirre II na kapag sumuko ang mga drug pusher ay kailangang maimbestigahan pa rin ang mga ito.

Aniya, kailangang malaman kung sino ang nagsu-supply sa kanila ng ilegal na droga, dahil kapag hindi ginawa iyon ay babalik din sila sa dating trabaho.

Binigyang-diin ni Aguirre na sa ilalim ng batas ay hindi pa rin lusot ang mga ito sa mga kasong kakaharapin kahit pa kusa ang pagsuko. (BETH CAMIA)

FPRRD, may agam-agam umano sa Halalan 2025 ayon kay VP Sara