DIPACULAO, Aurora – Tatlong katao ang nasawi makaraang magkasalpukan ang dalawang motorsiklo sa Sitio Ampere, Barangay Cupa sa bayang ito, nitong Biyernes ng hapon.

Sinabi ni Senior Insp. Ferdinand Usita, hepe ng Dipaculao Police, na agad na nasawi si Gilbert A. Suaverdez, driver ng isang motorsiklo, at ang angkas niyang si Jerry Sindac, kapwa taga-Bgy. Borlongan.

Isinugod naman sa ospital si Allan Barnioso, 24, driver ng isa pang motorsiklo, subalit binawian din ito ng buhay, ayon sa pulisya.

Sa insyal na report ng pulisya, parehong mabilis ang takbo ng dalawang motorsiklo hanggang sa mawalan ng kontrol ang isa sa mga ito at tuluyang nabangga ang kasalubong na motorsiklo. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog