LIZA copy

UMAAGAW ng atensiyon ng fans ni Liza Soberano ang mga bagong litrato niya sa iba’t ibang lugar na dinarayo ng mga tao, pati na rin sa buses na bumibiyahe sa Metro Manila.

Ang gaganda kasi ng suot ni Liza sa nasabing photos na kitang-kita ang napakaseksing hubog ng kanyang katawan.

Kakaiba ang aura ni Liza sa pictures, kaya talaga namang nabibighani ang lahat ng mga nakakakita.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Dahil super sexy si Liza sa photos, nagkakaisa ang fans sa mga thread sa social media na puwede palang gumanap bilang superhero ang Kapamilya star. May hirit ang fans na perfect lumabas na Darna ang partner ni Enrique Gil sa top-rating drama series na Dolce Amore ng ABS-CBN.

With her height and beauty, papasa talagang Darna ang sikat na teen actress.

Ang nasabing photos ay parte ng promo ni Liza sa kanyang bagong endorsement na Yazz Prepaid Card.

Ang Yazz Card, bagong prepaid card na nagagamit din tulad ng credit card. Puwedeng-puwede raw niya itong gamitin to buy whatever she wants or desires.

Bagamat hindi pa siya puwedeng magkaroon ng credit card, dahil sa Yazz Card ay puwede nang ma-experience ni Liza at ng mga kaedad niya na mamili on her own kahit hindi niya kasama ang kanyang mga magulang. Excited siyang mag-browse sa kanyang mga paboritong fashion boutiques.

“I just can’t wait to shop. Mabuti na lang may bagong prepaid card called Yazz na puwede kong gamitin para makabili ng mga items na gusto ko,” sabi ni Liza.

Nakipag-partner ang Yazz sa Family Mart. Pumirma ang Metrobank Card Corporation (MCC) last February ng partnership agreement with Philippine FamilyMart CVS, Inc., ang franchiser of the Tokyo-based convenience store brand para lumawak ang reach of its newest offering, the Yazz card.

Sa halagang P300, puwede nang mag-avail ang isang prepaid Yazz card na mabibili sa merchant partners nationwide.

Madali lang mag-load ng funds sa Yazz card. Magtungo lamang sa loading partners nationwide at ibigay ang inyong Yazz number. You can load from P100 to P10,000 with minimum loading fee. (Lito Mañago)