skin-mirror-160627 copy

ANG mainit na panahon na ating nararanasan ay nangangahulugan ng pagsusuot ng maninipis na damit at pagkakalantad ng ating balat sa nakapipinsalang init ng araw. Ngunit sa pagsusuot ng bathing suit, shorts o tank top ay maaaring makita ang hindi pantay na kulay ng balat na napinsala ng araw.

Ayon kay Dr. Lauren Ploch, dermatologist mula sa Augusta, Georgia, may mga mantsa sa ating balat na hindi naman nakakasama at hindi suliraning pangkosmetiko. Ngunit ang ibang problema sa ating balat ay kinakailangang masuri ng dermatologist.

Ito ang tala ng siyam na karaniwang problema sa ating balat at kung paano ito ginagamot ng dermatologist.

Human-Interest

Babaeng guro sa Batanes na 'buwis-buhay' na umaakyat sa flagpole, pinarangalan

Age spots

Inilarawan ni Ploch na ang mga flat at kayumangging mantsa sa balat ay tinatawag na “solar lentigines,” na karaniwang tumutubo sa parte ng katawan na madalas na nakalantad sa sinag ng araw, tulad ng mukha, pisngi, kamay, balikat, likod, at paa. Ang age spots, aniya, ay mas iregular ang laki kumpara sa pekas.

Ipinaliwanag ni Ploch na kadalasang namumuo ang age spots sa mga taong nasa edad 20 lalo na kung matagalan ang pagkakalantad ng kanilang balat sa araw. Sa pagtanda ng tao, lalong nagiging karaniwan ang pagkakaroon ng naturang spots, at mahigit 50 porsiyento ng Caucasians sa kanilang 50s at 60s ang nagkakaroon nito.

Ang spots na ito ay hindi pangkaraniwan sa mga taong kayumanggi.

Cellulite

Ang bukol-bukol o lubog na itsura ng cellulite ay dulot ng pag-umbok ng mga taba sa gitna ng fibrous bands na humihila sa konektadong tissue ng balat.

Ang cellulite ay karaniwang problema sa mahigit 85 hanggang 90 porsiyento ng kababaihan. Maaari rin itong sanhi ng hormonal at genetic factors, ani Ploch.

Mas madaling makita ang lubog na itsurang ito sa itaas na bahagi ng hita, likuran at balakang ng mga taong maninipis ang balat (maisisisi rin ang pagtanda sa manipis na balat). Ang kababaihan ay karaniwang mas manipis ang balat kaysa kalalakihan kaya’t mas lalong kapansin-pansin ang cellulite sa kanila.

“Cellulite is very difficult to treat, and it’s an innate characteristic of being female,” sabi ni Ploch sa Live Science. Bagamat ang pagbabawas ng timbang ay maaaring makatulong upang hindi na masyadong makita ang bukol-bukol na itsura nito, hindi pa rin matitiyak ang pagkawala ng mga ito, aniya pa.

Freckle

Karaniwang tumutubo sa ilong, pisngi, braso, balikat, ang freckles na kayumanggi na mas pabilog ang hugis kumpara sa age spots. Ang blondes at redheads ang karaniwang nagkakaroon ng freckles kaysa sa mga taong maiitim ang buhok, at ang freckles ay maaaring umitim kapag summer at mas light naman kapag winter.

Nagkakaroon ng freckles kapag nadagdagan ang pigment melanin sa ating skin cells na dulot ng madalas na pagkakalantad ng balat sa araw; maaari ring genetics ang sanhi ng freckles.

Moles

Ipinaliwanag ni Ploch na ang mga nunal o moles, na tinatawag ding “nevi” ay maliit, patag, kayumanggi ang kulay at sanhi ng paglaki ng “melanocytes”, ang cells na naglalabas ng pigment sa balat. Bukod sa freckles at age spots, posibleng magkaroon ng nunal sa iba’t ibang parte ng katawan, ang paglago ng mga ito ay kadalasang makikita sa sun-exposed areas. Di gaya ng age spots, na nabubuo dahil sa pagiging aktibo ng melanocytes, ang mga nunal ay nabubuo dahil kusang lumalaki ang melanocytes nito.

Sinabi ni Ploch na hindi pa rin malinaw kung bakit nagkakaroon ng nunal ang tao, ngunit maaaring genetic o hormonal din ito.

Skin tags

Ipinaliwanag ni Ploch na ang malalambot at karaniwang flesh-colored na balat o skin tags na mapapansin sa ating balat ay kadalasang makikita sa matatanda na kulubot na ang balat sa kanilang dibdib, leeg, kili-kili o singit. Ang skin tags ay maaaring dumikit sa balat sa pamamagitan ng narrow stalk na tinatawag na “peduncle”.

Ang mga buntis at ang iba pang nadadagdagan ang timbang ay nagkakaroon ng mas maraming skin tags, o kilala din sa tawag na “acrochordons”. Ayon kay Ploch, ang pagkakaroon nito ay maaaring genetic o hormonal din.

Ang paglaki ng skin tags ay hindi naman masama at hindi kinakailangan ng anumang gamutan, ngunit maaaring magkaroon ng pantal kapag ito ay kinamot o kaya naman dahil sa suot na damit o alahas. Inirekomenda ni Ploch na kapag nakaramdam ng pagkabahala, maaari itong alisin ng dermatologist sa pamamagitan ng pag-ahit, snipping, pag-freeze o pagsunog nito. Hindi nag-iiwan ng peklat ang skin tag kapag tinanggal na, ngunit ito’y maaaring bumalik at mamuong muli.

(Isinalin ni Clarise Cabrera) (LiveScience.com0