tennis copy

LONDON (AP) — Matapos ang dalawang araw na pag-ulan, sumilip ang silahis ng araw sa kalangitan para sa bagong pag-asa sa mga naudlot na laro sa Wimbledon nitong Huwebes (Biyernes sa Manila), sa All-England Club.

Ngunit, ang liwanag ng bagong araw ay hindi nakiisa sa kampanya ng mga liyamadong player – 18 sa kabuuan, kabilang ang 11 sa women’s division.

Pinakamalaking sorpresa ang kabiguan ni French Open champion at No.2 Garbine Muguruza, runner-up dito sa nakalipas na taon at major champion sa France may ilang linggo pa lamang ang nakalilipas.

BALITAnaw

BALITAnaw: Paano nga ba nagsimula ang 'World Smile Day?'

Nasilat si Muguruza ng 129th ranked qualifier na si Jane Cepelova ng Slovakia, 6-3, 6-2.

“My energy was not really there,” pahayag ni Muguruza.

“I was trying, but (it) didn’t work at all.”

Tulad niya, wala rin sa wisyo sina No. 31 Kristina Mladenovic, No. 7 Belinda Bencic, No. 14 Sam Stosur, No. 15 Karolina Pliskova, No. 16 Johanna Konta, No. 17 Elina Svitolina, No. 20 Sara Errani, No. 22 Jelena Jankovic, No. 30 Caroline Garcia, at No. 32 Andrea Petkovic.

Muntik nang mapasama sa talunan si No. 3 Agnieszka Radwanska, ang 2012 Wimbledon runner-up, kung hindi na-save ang tatlong match point tungo sa 6-2, 4-6, 9-7 panalo laban sa 18-anyos na si Ana Konjuh ng Croatia.

Sa men’s singles, laglag sa second round sina No. 8 Dominic Thiem, No. 13 David Ferrer, No. 16 Gilles Simon, No. 23 Ivo Karlovic, No. 25 Viktor Troicki, No. 26 Benoit Paire, at No. 30 Alexander Dolgopolov.