AYAW nang makatrabaho ng TV executive ang aktres na naging beauty queen na natuklasan nilang may attitude na pala.

“May project kasi kami sa kanya, okay na lahat, plantsado na, ‘tapos biglang umayaw. ‘Tapos ang dami-dami nang reklamo, kesyo hindi swak sa oras niya, na-overlook daw niya at kung anu-ano pa.

“’Sinumbong ko ito sa manager niya, eh, wala ring magawa kasi si _____ (actress turned beauty queen) ang may katawan.

Ano ‘yun?” iritadong kuwento ng exect sa amin sa isang event.

Human-Interest

LABUBudol? Mga artistang nahumaling sa 'Labubu craze!'

Kilalang mabait ang aktres noong hindi pa siya nagiging beauty queen at lagi pa ngang bumabati sa amin, pero nang magkaroon ng korona ay hindi na nga namamansin sa ilang beses naming pagsasalubong sa network.

Naalala tuloy namin nang minsang nagbanyo siya at nagkataon nandoon kami at pinagtawanan siya ng mga nakarinig dahil ang ingay daw niya sa loob ng cubicle.

Hindi na namin babanggitin, Bossing DMB kung ano ang nangyari sa loob cubicle pero sa totoo lang, nagulat din kami, ha-ha-ha.

Anyway, ang last line ng TV executive, “Mag-asawa na lang siya kung ayaw na niyang mag-work. Pareho sila ng boyfriend niya, may attitude rin. Baka doon siya nahawa kasi sabi rin ng iba, mabait siya.” (Reggee Bonoan)