SARAH copy

NOW it can be told na matatag ang desisyon ni Sarah Geronimo na ayaw na muna talaga niyang tumanggap ng bagong show sa ABS-CBN dahil gusto talaga niyang magpahinga.

Ang ASAP20 lang ang itinira niyang programa na dadaluhan niya tuwing Linggo.

Tama ang obserbasyon ng ate ni Sarah na si Judy Ann Santos na baka burned out na ang dalaga sa ilang taon niyang tuluy-tuloy na pagtatrabaho at gusto naman nitong lumanghap ng masarap na simoy ng hangin sa ibang lugar kaya magbabakasyon siya ng dalawang buwan.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ayon sa aming source, marunong na ngayong magpahayag ng sarili at tamang katwiran sa magulang si Sarah na sa mahigit sampung taon palang pagtatrabaho ay ni hindi nahawakan ang kinikita.

Ang latest na isyu, ayon sa aming source, ay gusto niyang bumili ng sariling sasakyan na ipinagpaalam pa niya sa magulang pero hindi pumayag kaya’t kay Boss Vic del Rosario, manager ng Pop Princess, siya nagsabi kung puwede siyang bumili ng kotse at kung kaya niyang mag-drive.

Susme, bakit naman kasi ipagkakait na magkaroon ng sariling sasakyan si Sarah, e, sarili naman niyang pera galing sa sariling pawis, ang ipambibili niya? Hindi naman niya ito hiningi o ipangungutang?

Gusto na ring mamuhay mag-isa si Sarah at isa sa condo units na bigay ng SMDC sa kanya siya titira, pero mukhang pinagdedebatehan pa ito ng pamilya.

Basta ang ending ng usapan, tuloy ang dalawang buwang bakasyon ng singer/actress/TV host at iniisip pa kung itutuloy ang planong pag-aaral dahil matagal iyon at anytime ay puwede na siyang makipag-date sa boyfriend niyang si Matteo Guidicelli nang walang chaperone.

Tinanong namin ang source kung gusto nang mag-asawa ni Sarah…

“Si Matteo, hindi pa handa,” sagot sa amin. (REGGEE BONOAN)