AFTER starting his year right — mula sa kanyang album launch hanggang sa well-loved series na pinagbibidahan niya, masaya ngayon ang Hanggang Makita Kang Muli star na si Derrick Monasterio kahit na single siya.

Walang problema sa kanya kung loveless man siya ngayon dahil naka-focus siya sa kanyang successful career.

 

“Hindi pa ako ready. ‘Yun nga, nasabi ko nga po na ang ganda ng takbo ng year ko, promise. ‘Yung January ko, ‘tapos nu’ng pumasok ‘yung February, may tatlo akong magazine covers at nag-release ako ng album. Siguro kapag ‘pag made na ako, ‘pag di ko na iniisip ‘yung uulamin ko kinabukasan, du’n, p’wede na uli.”

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco