URDANETA CITY, Pangasinan – Isang 18-anyos na babaeng holdaper ang pinatay sa saksak ang kanyang 65-anyos na biktima sa Domagas Street, Zone 7, Barangay Bayaoas sa lungsod na ito.

Sinabi ni Supt. Jeff Fanged na nadakip si Haidi Israel, 18, ng Bgy. San Vicente, sa pagpatay kay Virginia Gallo, 65. Biyuda, ng Bgy. Bayaoas.

Batay sa imbestigasyon, naglalakad si Gallo malapit sa kanyang tindahan dakong 8:00 ng gabi nitong Lunes nang lapitan siya ni Israel, at ng dalawa pang kasamahan nito.

Nagdeklara ng holdap ang mga suspek at puwersahang tinangay ang shoulder bag ni Gallo na naglalaman ng P30,000 cash. Pumalag ang matanda kaya sinaksak siya sa leeg ni Israel.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Hindi muna pinangalanan ang dalawang kasamahan ni Israel, na pinaghahanap na ng pulisya. (Liezle Basa Iñigo)