MALVAR, Batangas - Nalimas ng mga umano’y miyembro ng Termite Gang ang laman ng vault ng isang rural bank sa Malvar, Batangas.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), tinatayang sa pagitan ng Hunyo 24 at Hunyo 27 pinasok ng mga magnanakaw ang Mt. Carmel Rural Bank, Inc.

Napansin umano ng mga empleyado na may malaking butas sa loob ng banko na konektado sa drainage system.

Nasa P300,000 cash at iba pang mahahalagang gamit ang nakuha umano ng mga suspek. (Lyka Manalo)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog