JEROME AT LOISA copy

NAGULAT kami nang isulat namin ang interbyu namin sa bagong love team ng Dreamscape Entertainment na sina Loisa Andalio at Jerome Ponce nang dalawin namin sa set ng Wansapanataym Presents Candy’s Crush (nagsimula na nitong nakaraang Linggo) dahil ang daming nag-retweet, ang daming nag-like sa social media at ang daming nagtatanong sa amin kung bibigyan na rin sila ng pelikula ng Star Cinema.

Binanggit namin kay Bossing DMB na marami palang fans sina Jerome at Loisa, e, bagong love team lang sila. Ang sabi ng aming patnugot, “Ano ka ba, sa PBB pa lang, marami nang fans si Loisa, ‘tapos si Jerome sa Be Careful (With My Heart) pa. Kaya hindi na kataka-taka ‘yan.”

Oo nga, sa katagalan baka humilera na rin ang Jerome at Loisa sa LizQuen na nasa ikatlong puwesto ngayon after KathNiel at JaDine.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Na-curious din tiyak ang televiwers sa tambalang Jerome at Loisa, kaya nakakuha ng mataas na ratings ang Candy’s Crush episode nila, 31.2%sa national TV. Naungusan nito ang katapat na Ismol Family na nakakuha naman ng 17.3%, base sa viewership survey data ng Kantar Media.

Pasilip sa kuwentong tatakbuhin ng Canady’s Crush, lubos ang galit ni Candy (Loisa) nang ipahiya siya ni Paolo (Jerome) sa maraming tao sa pag-aakalang ikinakalat ng dalaga na magkasintahan sila.

Para makaganti, gagamitin ni Candy ang love spell book na ipinagkaloob ng matandang tinulungan niya upang gayumahin at maging sunud-sunuran sa kanya ang campus heartthrob. Pero masisira ang plano dahil sa halip na sa kanya, sa kaibigan niyang si Amanda (Amy Nobleza) mahahalina si Paolo.

Siyempre kaabang-abang sa fans nila kung mababawi pa ang sumpa kay Paolo at kung paano mapapawi ang galit ni Candy sa kanya.

Napapanood ang Wansapanataym Presents: Candy’s Crush tuwing Linggo sa ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). (Reggee Bonoan)