Inaasahang tatalakayin ngayong Martes ng Korte Suprema ang mga petisyon na inihain ng kampo ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo kaugnay ng kasong plunder na kanyang kinahaharap na may kaugnayan sa umano’y paglulustay sa P366-milyon pondo ng Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO).

Bagamat hindi pa rin tiyak kung dedesisyunan na ng Kataas-taasang Hukuman ang mga petisyon, sinabi ng source na may posibilidad na nakapaghanda na ng draft decision ang mga mahistrado hinggil dito.

Matatandaan na dumulog si Arroyo sa Supreme Court (SC) hinggil sa tatlong isyu na may kinalaman sa kanyang kinahaharap na mga kaso—petition to post bail, determination of probable cause at demurer to evidence.

Sa mosyon na inihain ni Arroyo nitong nakaraang linggo, hiniling ng dating Pangulo na ibasura ang plunder case na kanyang kinahaharap sa pamamagitan ng demurer to evidence.

Metro

Humigit-kumulang 500k deboto, dumalo sa prusisyon ng Poong Nazareno ngayong Biyernes Santo

Iginiit niya na dapat na resolbahin na ang kaso matapos simulan ng Office of the Ombudsman ang imbestigasyon sa bagong reklamo ng plunder at malversation of public funds na may kinalaman din sa kontrobersiya sa PCSO fund anomaly mula 2004 hanggang 2007.

“That the institution of the new complaint which involves disbursements of PCSO funds for earlier years hardly suggests that its filing is to vindicate a public wrong,” ayon sa kampo ni Arroyo.

“Indeed, in an earlier pleading, the petitioner has stated that, in the light of the arguments now on records of the case, (petitioner Arroyo) sees the 'break of dawn' in the restoration of full restoration of her freedom. The Office of the Ombudsman seeks to prolong her nightmare,” nakasaad pa sa mosyon ni Arroyo, na naka-hospital arrest simula pa noong Oktubre 2012. (Rey G. Panaligan)