Halos madurog ang katawan ng anim na kataong nasawi makaraang bumangga sa nakaparadang dump truck ang sinasakyan nilang jeep, na malubha ring ikinasugat ng siyam na iba pang pasahero sa bayan ng Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao, iniulat kahapon.

Ayon sa imbestigasyon ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police, sakay ang mga biktima sa jeep (MWB-489) nang mangyari ang aksidente sa Barangay Baka sa nasabing bayan.

Apat sa mga pasahero ang agad na namatay, habang hindi na umabot nang buhay kahit naisugod pa sa ospital ang dalawang iba pa.

Patuloy namang ginagamot sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) ang siyam pang pasahero.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Nabatid sa imbestigasyon ng pulisya na mabilis na tumatakbo ang jeep galing sa Tacurong City patungong Cotabato City nang bumangga ang jeep sa isang nakaparadang truck sa national highway ng Datu Odin Sinsuat.

Posibleng madulas ang kalsada, dahil sa malakas ang ulan, nang mangyari ang aksidente. (Fer Taboy)