Pinakiusapan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga bagong lider ng bansa na huwag sirain ang tiwalang ipinagkaloob sa kanila ng mamamayan.

Ayon kay Tagle, dapat maging ehemplo ang mga bagong-halal na lider ng bansa.

“I hope that the next or those who will inherit the government administration will also strive to address the country’s problems,” aniya.

Sa kabila nito, inamin ni Tagle na walang perpektong gobyerno sa kahit saang bahagi ng mundo, matapos siyang tanungin hinggil sa assessment niya sa administrasyon ni outgoing President Benigno Aquino III.

Events

Kim Chiu, Julia Barretto nominado sa Asian TV Awards 2024

Paliwanag niya, tulad ng mga nagdaang administrasyon, maraming accomplishment ang administrasyong Aquino, ngunit mayroon pa ring mga bagay na kailangan pa ng kaukulang aksiyon.

“All administrations may have strived and worked hard but all administrations as well left things that still need to be addressed. That’s life!” aniya. “No one or group can claim that they were able to solve everything.” - Mary Ann Santiago