SUMAYA ang facial expression ni Judy Ann Santos nang hingan namin ng reaksiyon tungkol sa pagpayat ni Sharon Cuneta, na itinuturing niyang ate, at napapanood ng tao na enjoy sa The Voice Kids Season 3 bilang isa sa voice coach.

“Proud ako kay Ate kasi matagal ko nang sinabi sa kanya na kaya niya ‘yan, sobra ‘yung faith ko na kaya niya ‘yan mag-lose ng weight kasi nagawa na niya before, after niyang ipanganak si Frankie, di ba, sobra siyang payat?

“So bigyan lang siya ng chance at huwag siyang i-pressure, I’m sure kaya naman niya. I’m so happy for her, super happy talaga ako kay Ate kasi, she’s back on track, alam mo ‘’yun, in fighting form na siya, may album, may TV show, may endorsements. I’m so happy talaga kasi deserved niya kasi megastar siya, hindi siya puwedeng mawala.

“Maski sino mang star, Diamond Star, Megastar, Superstar, Star for All Seasons, they deserved to be there, hindi sila puwedeng mawala,” say ni Juday.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

E, si Sarah Geronimo na tinawag na Popstar ay planong magbakasyon ng dalawang buwan.

“Lahat ng stars nagpapahinga,” mabilis na sagot niya, “kaya ibigay natin iyon sa kanya kasi unfair naman na nagpahinga lang, buntis kaagad?

“Sabagay, ako ilang beses ba akong naintrigang mabubuntis nu’ng dalaga ako? Bigyan natin siya ng chance magpahinga kasi nu’ng time naman na dire-diretso siyang nagtatrabaho, hindi naman tayo nakakarinig sa kanya.

“So, ngayong nagpapahinga siya, wala tayong karapatang magreklamo, deserved niya ‘yun,” pagtatanggol ni Juday sa kanyang little sister sa showbiz.

Iisa kasi ang duda ng lahat, na baka gusto na nina Sarah at Matteo Gaudicelli na magpakasal.

“She’s 27, she’s working since 15 o 14, ako naman din may mga burned out moments din nu’ng dalaga ako, ngayon lang mas lumalala ang dating ng issues sa tao kasi ang daming nakikialam, nama-magnify ng social media, ‘tapos lahat ng tao may opinyon. So I think unfair na husgahan si Sarah kasi gusto lang nu’ng tao na magpahinga.

“Hindi pa puwedeng isipin natin na kaya niya gustong magpahinga, eh, dahil gusto niyang mag-aral? Baka puwedeng iyon muna bago tayo mag-jump into conclusion na buntis siya.

“Yes, gusto niyang mag-aral, gusto niyang bumalik sa pag-aaral, pinu-push ko siya. Kung gusto niyang mag-aral, go, basta kung saan siya masaya, go, she deserves it. We’re really happy for Sarah,” pahayag ni Budaday.

At ang reaksiyon ni Juday sa sinabi ng manager ni Sarah na ‘virgin’ pa ang aktres: 

“Naniniwala naman ako ro’n,” na-amuse na sabi ni Judy Ann. “Oo, naniniwala ako. Bakit, masama bang maniwala sa mga kaibigan, na sila... na ganu’n?” masayang sagot ng aktres.

Binanggit namin na nu’ng naglayas si Sarah ay kay Matteo raw muna nakitira.

“Ay, hindi, kasi bakit nga hindi ko nabalitaan?” balik-tanong sa amin. Dugtong pa niya, “Mayroon bang proof na doon siya tumuloy? Wala akong pinapanigan, pero walang nakarating kasi sa akin at the same time, ‘nirespeto ko ‘yung privacy na hinihingi ni Sarah nu’ng time na ‘yun.  

“Hindi ako nagtanong, because naniniwala ako na gusto niya ng time for herself.  May mga naririnig ako, pero hindi ko siya kinompronta about it,” pagtatanggol ni Juday.

Muling kinulit ang Kusina star kung naniniwala ba talaga siyang virgin pa si Sarah gayong may boyfriend ito.

“Ewan ko sa inyo, bakit ba ginagawa ninyong isyu?” sabi kaagad ng aktres.

Natanong din si Judy Ann kung sinu-sino sa sikat na love teams ngayon ang gusto niyang makatrabaho tulad ng KathNiel (Kathryn Bernardo/Daniel Padilla), LizQuen (Liza Soberano/Enrigue Gil), AlDub (Alden Richards/Maine Mendoza), at JaDine (James Reid at Nadine Lustre).

“Kung sino’ng available sa kanila, anytime puwede ako saka gusto ko ring malaman kung sino sa kanila ang naka-focus sa craft nila. At saka ‘yung tipong nasa side ka na sa ‘Titas of Manila,’ ha-ha-ha, kaya nag-i-explore ka na lang ng mga puwede mong gawin kaya I’m more than willing to work all of them,” tumatawang sagot ng aktres.