JASMINE copy

NAKATIKIM ng bashing si Jasmine Curtis Smith nang lumabas ang interview sa kanya tungkol sa pagkasama niya sa first solo movie nina Alden Richards at Maine Mendoza na Imagine You & Me.

Pinuna ng netizens na parang hindi raw seryoso ang pagsagot niya sa mga tanong sa kanya. Tungkol sa movie, ang sagot ni Jasmine: “Magaling, maganda, I’m excited to watch the film, July 13 daw, Imagine You & Me saka ano… under APT iyon, directed by Mike Tuviera daw, sabi nila, ha, pero hindi ako sure, wala akong alam du’n, eh,” at saka tumawa.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Kami, inisip namin na baka iyon ang way ni Jasmine para hindi siya magkuwento ng tungkol sa movie, kung ano ang role niya, dahil bawal siyang magsalita ang cast and crew tungkol doon.

Ilang artistang nakita namin sa picture na kuha sa kanilang shooting, dito sa Pilipinas, ang nakausap namin at lahat sila ay walang sinasabi tungkol sa movie, iwas silang magkuwento kung ano ang role nila, at naintindihan naman namin.

Pero nang muling makausap ng press si Jasmine, seryoso na siya at nagpahayag na very nice sa kanya sina Alden at Maine nang mag-shooting sila sa Italy.

Natuwa raw siya na nabigyan siya ng chance na makatrabaho ang magka-love team dahil hindi lahat ay nabibigyan ng ganoong privilege.

Nang tanungin tungkol sa relasyon nina Alden at Maine, nakangiting nagkuwento ni Jasmine kung paano magkulitan ang dalawa on and off screen, mahilig daw kasing mag-joke ang dalawa sa isa’t isa. Nakita raw niyang totoo ang dalawa at hindi sila nagpi-pretend lang just for the show, and they get along well.

Pero wala pa ring sinabi si Jasmine kung ano ang role niya sa movie.

Maging sa ipinakitang mas cute na second teaser ng Imagine You & Me, hindi pa rin mahuhulaan kung ano ang characters nina Alden at Maine.

Sige, hintayin na lang natin kung paano tayo sosorpresahin nina Alden at Maine at ni Direk Mike Tuviera. Under APT Entertainment at GMA Films ang pelikula nila. (NORA CALDERON)