James at Nadine copy

NATATAWA sa amin si Ms. Veronique del Rosario-Corpus, manager nina James Reid at Nadine Lustre, at si Ms Leigh Legapi, vice-president for marketing ng Viva na kinuwenta namin kaagad ang kinita ng VRJ Books sa napagbentahan nitong 100,000 copies ng librong Team Real na umabot ng P29,500,000.00.

 “Grabe ka, kinuwenta mo kaagad?” natawang sabi sa amin ng manager ng JaDine.

 Sa ginanap book launch ng Team Real noong Linggo, Hunyo 19 sa Market! Market! na dinagsa ng 11,000 fans, hindi na kinaya ng magka-love team ang pagpirma sa mga pumila para lang makabili ng libro. Gayunman, 1,800 ang napirmahan ng JaDine kahit nangawit na sila.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

 “Siyempre, nangalay na ang dalawa, hindi na nila kinaya kaya 1,800 copies lang ang natapos. Siyempre we’re so happy for the book launching kasi super lakas talaga, iba pa ‘yung online selling,” masayang kuwento ni Ms. Veronique sa amin.

 Ang daddy ni Ms. Veronique na si Boss Vic del Rosario ang nakaisip ng librong Team Real dahil bumenta rin ang official scrapbook ng On The Wings of Love serye nina James at Nadine sa ABS-CBN handog ng Dreamscape Entertainment.

 “Naisip ni Daddy (Vic) na bakit hindi gumawa ng libro ng all about personal stuff ng JaDine, ‘yung mga hindi pa nababasa o alam ng tao,” kuwento ni Ms. Veronique. “Kasi ‘yung sa OTWOL naman it’s all about the serye, kung baga promo lang ‘yun, so itong Team Real, ‘yung sa kanilang dalawa, tungkol sa love story nila and others. So ganu’n nga, tapos kinausap nga namin ang JaDine at excited naman sila, kaya nabuo ang Team Real book.”

 Dagdag ni Ms. Leigh, sa Viva online ay naka-60,000 copies na sila ng benta kaya iba pa ‘yung 100,000.00 sold, at nasa ikalawang printing na ang Team Real book.

 Noong Hunyo 16 lang umuwi ng Pilipinas sina James at Nadine galing sa 14-city tour sa East Coast.

“Marami na nga kaming tinanggihang shows kasi hindi na nila kaya, next year na lang dahil they have to finish naman their commitments here like teleserye and movie,” sabi pa ni Ms Veronique.

 Good influence ang JaDine sa kanilang supporters at nalalaman nila ito dahil ipinadadala pala sa kanila ang grades ng mga estudyanteng fans nila bagay na ikinatutuwa ng dalawa.

 Naniniwala sila na malaki rin ang maitutulong ng Team Real book nila dahil marami ang mababasa ang supporters nila tungkol sa samahan nilang dalawa hindi lang bilang magkasintahan kundi pati na rin ang future plans nila at kung paano nila sini-save ang kita nila.

 “All the fans po, ginagawa kaming role model at iniisip ko na I want to be inspiration to them, we are always careful of what we do, sa lahat ng sinasabi namin,” sabi ni Nadine.

 “We do this for them to the fans, we did this for them to get to know us better,” sey naman ni James.

 Samantala, unaware ang JaDine na may death threat sa kanilang dalawa, ang dahilan kaya hinigpitan nang husto ang ang book launching event nila sa Market! Market!

 “Well, feeling ko naman po kasi nag-start ‘yun dahil nga kay Christina Grimmie na harap-harapan na binaril and fan yata iyon sa autograph signing,” sabi ni Nadine. “Parang feeling ko po, nag-start lahat doon. Nakakatakot din po talaga, so far wala naman pong ginagawa pang moves kasi wala naman nangyayari, ‘yung book launching pa lang naman ang event namin.”

 Hindi ba sila natakot ni James. 

“Siyempre, natatakot po, pero ingat-ingat na lang po,” sagot ng dalaga. (REGGEE BONOAN)