Pinalawig hanggang Hulyo 4 ang pagpaparehistro para sa paglahok sa 6th Manila Bay Clean-Up Run.

Ang karera na may layuning gisingin ang kamalayan ng sambayanan sa kahalagahan ng malinis na karagatan at mga estero ay nakatakda sa Hulyo 10 sa PICC ground.

Tampok ang mga event sa 3K, 5K, 10K, at 21K sa torneo na itinataguyod ng Manila Broadcasting Company (MBC).

Maaaring magpalista sa MBC lobby sa Sotto St., CCP Complex, Pasay City, gayundin sa mga outlet ng Olympic Village sa Trinoma, Market Market, Alabang Town Center, Gateway mall, SM Taytay, at Robinsons Antipolo.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Para sa karagdagang impormasyon sa Manila Bay Clean-Up Run, makipag-ugnayan sa Runners Link sa numerong 0926-2052787.