Jerome at Loisa copy

MAY bagong kakikiligan ang mga manonood simula ngayong Linggo (June 26) sa pagbibida nina Loisa Andalio at Jerome Ponce sa Wansapanataym Presents: Candy’s Crush.

Lubos ang saya ang nararamdaman nina Loisa at Jerome sa malakas na suporta ng kanilang fans at Kapamilya Network sa kanilang unang tambalan.

“Masaya po ako at kinakabahan dahil first time po ko sa Wansapantaym. Basta ibibigay ko po ang best ko,” sabi ni Loisa.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

“Ito po ay second chance upang mapatunayan kong may ibubuga po kami nang hindi kasama ang dati naming ka-love team,” dagdag ni Jerome.

Hindi iniisip ng dalawang Kapamilya stars ang kumpetisyon kundi hangad lang nilang mapasaya ang mga manonood at mas gumaling pa sa kanilang pag-arte.

Gaganap si Loisa bilang si Candy, estudyanteng may pagtingin sa campus heartthrob na si Paolo (Jerome). Dahil sa pagiging pabling, maraming babae ang sinasaktan nito. Upang makaganti, gumawa ng magic potion si Candy kasama ang kanyang kaibigang si Amanda. Ngunit nang inumin na ni Paolo ang potion, sa halip na kay Candy, kay Amanda umubra ang gayuma dahil ito ang unang nakita ng binata.

Paano maaalis ang sumpa kay Paolo? Ano ang dapat gawin ni Candy upang manumbalik ang lahat sa dati?

Kasama rin sa cast ng Wansapantaym Presents: Candy’s Crush sina Lara Quigaman, Erin Ocampo, Michelle Vito, Amy Nobleza, Igi Boy Flores, Ruby Ruiz, Shey Bustamantem, Phiphi Palmos, at Ma. Isabel Lopez, mula sa panulat ni Noreen Capili at sa direksiyon ni Andoy Ranay.

Huwag palampasin ang mga eksenang kapupulutan ng aral sa Wansapanataym Presents: Candy’s Crush ngayong Linggo sa ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Panoorin ang nakaraang episodes ng programa sa iWanTV o saskyondemand.com.ph para sa skysubscribers.