BUDAPEST, Hungary (AP) — Nahaharap sa isang taong suspensiyon ang Russia, Kazakhstan at Belarus mula sa international weightlifting competition bunsod ng droga.

Hindi na papayagang makalaro ang mga atleta ng naturang bansa sa Rio Olympics sa Agosto matapos magpositibo sa isinagawang retesting ng mga samples noong 2008 Beijing at 2012 London Games.

Ayon sa International Weightlifting Federation, ihahayag ang desisyon matapos ang pakikipagpulong sa International Olympic Committee (IOC).

Sa kasalukuyan, 20 weightlifter mula sa 55 na sinuri ang nagpositibo, kabilang ang mga medalist sa nakalipas na dalawang Olympics.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

"Given the current environment, the IWF Executive Board strongly suggests that Mr. Syrtsov and the European Weightlifting Federation reconsider the appointment to this particular position," pahayag ng IWF.