Selena at tagahanga copy

MARAMING nagagawa si Audrey Nethery!

Umani ng papuri dahil sa kanyang kahusayan sa pagsayaw, si Audrey, na may Diamond Blackfan Anemia, ay nakasayaw na si Selena Gomez. 

“Finally got to meet this sweetheart — she owned it fully,” paglalarawan ni Selena, 23, sa isang video matapos niyang personal na makilala si Audrey nitong Miyerkules. Sa nasabing video, isinayaw nilang dalawa ang “Love You Like a Love Song,” na natapos sa mahigpit na yakapan.  

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: Ilang bayan sa Pinas na maagang nagbukas ng kanilang Christmas village!

Ito ang ikalawang pagkakataon ni Audrey sa loob ng dalawang buwan upang ipamalas ang kanyang galing sa pagsayaw sa harap ng milyun-milyong katao (mahigit 1.5 million na ang view sa nasabing video). Sa huling bahagi ng Abril, inangkin din niya ang entablado ng Rachel, at sumayaw kasama ang Brooklynettes dancers. 

“Every time I see her dance, even when it’s just in her class, it makes me cry,” pahayag ni Julie Haise, ina ni Audrey. “When she’s dancing, she’s happy and brings so much joy to everyone watching.” (People.com)