herbert copy copy

WALANG katotohanan ang napabalitang tinutulan ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ang paglipat ng Office of the Vice President sa naging kontrobersiyal na Boracay Mansion sa New Manila.

Ito ay ayon mismo kay Mayor Bistek na ipinarating naman sa amin ni Cong. Winnie Castelo ng 2nd District ng QC.

Ayun pa raw kay Mayor Bistek, ang Boracay Mansion na tinawatag nila ngayon na Executive House ay ipinaayos at pinaganda nila nang husto para sa diplomats at iba pang mga malalaking tao na bumibisita sa kanilang siyudad.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: Ilang bayan sa Pinas na maagang nagbukas ng kanilang Christmas village!

Pero sa pagkakaalam ni Cong. Winnie, asawa ng numero unong konsehal ng Kyusi na si Coun. Precious Hipolito-Castelo, pupwede pa rin naman daw parentahan sa sinumang interesadong gawing embahada ang Boracay Mansion.

Paliwanag pa ng kausap namin, may mga gumawa lang ng isyu at nabigyan ng ibang kulay ang naging pahayag noon ni Mayor Herbert hinggil sa hangad ng pasensiyosang VP-elect Leni Robredo na gawing opisina niya ang nasabing mansiyon.

Medyo matagal na rin namang napabayaan ang Boracay Mansion na binalak daw noong tirahan ni Laarni Enriquez. Pero napaganda na raw ito ngayon at bagay na bagay na maging opisina ni Vice President Leni Robredo. (JIMI ESCALA)