MISS_MANILA_2016_GROUP_(6) copy

ANG City of Manila at MARE Foundation, kasama ang Viva Live, ay muling magtutulungan sa paghirang sa susunod na Miss Manila. 

Nitong Hunyo 15, ang pagharap ng 33 Manileña beauties sa media sa Diamond Hotel ay dinaluhan din ni Mayor Joseph “Erap” Ejercito Estrada.

Sa ikatlong taon nito, layon ng search na matagpuan ang dilag na hindi lamang nagtataglay ng kagandahan kundi maging ng matatag na paninindigan, kamalayan sa mga nagaganap sa lipunan, at ng mga katangian ng tunay na Manileña na mahinhing kumilos at may positibong pananaw sa buhay. 

Human-Interest

BALITrivia: Ang ‘I Love You’ na nagbigay ng trauma sa halip na kilig noon

Ang grand coronation night ay gaganapin bukas, Araw ng Maynila, sa Philippine International Convention Center (PICC) na may delayed telecast sa TV5 (ipapahayag ang kumpirmadong petsa at oras) at magsisilbing host sina Edu Manzano at KC Concepcion.

Ang proceeds ng pageant ngayong taon ay nakalaan sa MARE Foundation, ang non-profit institution na pinamumunuan ng chairperson at pageant director na si Ms. Jackie Ejercito.

Ang winner ay tatanggap ng P500,000, at ng contract sa Viva. Siya ay magiging kinatawan din ng City of Manila sa iba’t ibang functions at mga okasyon.

Sponsors ng Miss Manila 2016 ang Nisce, ang official skin care provider ng mga kandidata; The Make-up Secrets School, official Hair & Make-up; at Wranco Jeans. Official residence ang Waterfront Hotel and Casino, at official media partners ang Manila Bulletin, People’s Journal at People’s Tonight. Official TV partner naman ang PBO, VIVA TV, at TMC.