GEN. NATIVIDAD, Nueva Ecija - Isang 57-anyos na magsasaka ang natagpuang patay, ginilitan, may tatlong saksak sa dibdib at tatlong saksak sa likod, at iniwan sa ibabaw ng mesa sa gitna ng bukid sa Purok 2, Barangay Singkamas sa bayang ito, nitong Lunes ng tanghali.

Kinilala ng General Natividad Police ang biktimang si Gregorio Espanto y Miguel, biyudo, magsasaka, residente ng nasabing lugar.

Ayon kay John Mercado, chairman ng Bgy. Pulong Singkamas, siya mismo ang nag-report sa pulisya tungkol sa bangkay ni Espanto.

Sa imbestigasyon ni PO3 Narciso Buendia, dakong 12:45 ng tanghali nang matagpuan ang bangkay na tadtad ng saksak ng kitchen knife.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Sa salaysay ni Edison Baltazar y Vinluan, 19, ng Purok 3, huling nakitang buhay si Espanto na lasing kasama sina Renato Viloria, 18,alyas “Nato”; Rewowie Viloria, alyas “Wowie”; at Aga Viernes, 20, magsasaka, pawang residente sa lugar.

Naaresto ang tatlo at nakumpiska kay Renato ang patalim na ginamit umano sa krimen. (Light A. Nolasco)