030616_MARCELINO_CAMPCRAME_01_ANTE copy

Ibinasura ng Department of Justice (DoJ) noong Martes ang reklamong pagkakasangkot sa illegal drugs na inihain ng Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) laban kay Marine Lt. Col. Ferdinand L. Marcelino.

Inaresto si Marcelino ng mga operatiba ng PDEA at Philippine National Police-Anti Illegal Drugs Group (PNP-AIDG) sa isang raid sa Sta. Cruz, Manila noong Enero.

Kinasuhan siya ng paglabag sa Sections 11 at 26 ng Republic Act No. 9165, o ng “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002″, kaugnay sa pagpapabrika at pag-iingat, at pakikipagsabwatan sa paggawa ng mga illegal na droga.

Probinsya

9-anyos na bata, patay matapos makuryente ng tinatayang 20 minuto

Gayunman, sa resolusyon na nilagdaan ni Senior Deputy State Prosecutor Theodore Villanueva, walang nakitang sapat na batayan ang DoJ sa reklamong inihain laban kay Marcelino.

Sa isang hiwalay na resolusyon, ibinasura rin ng DoJ ang reklamong paglabag sa Republic Act 105-91 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Regulation Act at sa Comelec Gun Ban laban kay Marcelino. (Beth Camia)