SA kasagsagan ng breakup nila ni Wilmer Valderrama at kontrobersiya na namagitan sa kanila ni Mariah Carey, inihayag ni Demi Lovato na hindi na siya gagamit ng Twitter at Instagram.

“Damn I gotta quit sayin s**t. Bye Twitter,” tweet ni Lovato nitong Lunes, idinagdag na, “And insta.”

Bagamat may mga pinagdaanang pagsubok ang Cool for the Summer singer nitong mga nagdaang araw (naghiwalay sila ni Valderrama nitong unang bahagi ng buwan pagkaraan ng “6 loving and wonderful years together,” at tinawag niya si Carey na “unnecessarily rude” sa kanyang tweet na binura na niya), hindi ipinahayag ni Lovato ang eksaktong dahilan ng pag-iwas niyang maging aktibo sa social media.

Nagpahayag din siya ng saloobin sa mga panghuhusga sa kanyang mga pahayag.

Ninong Ry, nakahabol sa pag-file ng 'COC'

“But why do people actually give a f**k what I say? Like if you don’t care gtfo haha,” saad niya. “That one time I started my own charity providing mental health care for people who can’t afford it and this is what y’all talk about. And people wonder what’s wrong with the world. Pay more attention to good than bad.”

Sa kabila ng pag-iwas sa Twitter at Instagram, plano pa rin ng singer na maging aktibo sa kanyang Snapchat account.

“I like Snapchat cause I don’t have to see what some of y’all say,” paliwanag ni Lovato sa Twitter. “Follow me if you want: theddlovato.” (ET Online)