MASAYANG ibinalita ni Aljur Abrenica na ipinapaayos na niya ang dream house na nais niyang ialay sa kanyang pamilya na walang sawang sumusuporta at nagmamahal sa kanya.

“Masaya ako dahil nakabili ako ng bahay para sa pamilya ko,” sabi ng leading man ni Janine Gutierrez sa Once Again.

Kuwento ng aktor, naging mabusisi siya sa pagpapatayo at pagsasaayos ng kanyang dream house dahil gusto niyang makita ang kanyang personalidad sa magiging hitsura at ambiance nito.

“Bago ko ‘pinagawa ‘yan ilang gabi rin akong hindi nakatulog kasi kasama ako sa pagdi-design, very hands on kasi ako at gusto ko na match sa personality ko ang magiging output ng aming pagre-renovate. Kumbaga ‘pag pumunta kayo sa bahay, makikita n’yo kung sino ako at mas lalo n’yo pa akong makikilala,” aniya pa.

Ina, may open letter sa pastor dahil sa umano'y pambubully sa anak sa simbahan