Lotlot de Leon copy

HINDI pa siguro nabibisita ng Noranians ang Instagram (IG) ni Lotlot de Leon dahil wala pang nagre-react sa mga bago niyang post.

Binati ni Lotlot ng “Happy Father’s Day” ang biological dad niya na “Pa” ang kanyang tawag at ang adoptive father niyang si Christopher de Leon na “Dad” ang kanyang tawag.

Ini-expect naming may magre-react na fans ng mom niyang si Nora Aunor dahil sa nakaraang birthday ng superstar, hindi nag-post ng birthday greetings si Lotlot.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

May tampuhan yata ang mag-ina dahil sa nabanggit ni Nora sa isang interview na hindi binibisita nina Lotlot at ng mga kapatid nito ang Uncle Buboy (Villamayor) nila na kapatid ni Nora. But it turned out na kabibisita lang nina Lotlot at Ian de Leon sa FEU Medical Center.

Hintayin natin at baka may mag-comment sa Father’s Day post ni Lotlot.

Anyway, magiging dalawa na ang show ni Lotlot sa GMA-7 kapag nagsimula nang umere ang comedy show na Conan My Beautician. Sa June 26 ang pilot nito at mapapanood every Sunday.

Monday to Friday naman napapanood si Lotlot sa naughty series na Juan Happy Love Story bilang asawa ni Gardo Versoza at nanay ni Heart Evangelista. (Nitz Miralles)