OAKMONT, Pa. (AP) — Pamilyar ang pangalan ni Dustin Johnson sa PGA Tour. Ngunit, sa pagkakataon ito, hindi na lamang siya isang pangkaraniwang kalahok. Isa na siyang ganap na major champion.

Sa pagdiriwang ng “Araw ng mga Ama”, tinuldukan ni Johnson ang mahabang taong kabiguan sa major championship nang tanghaling kampeon sa pamosong US Open golf championship nitong Linggo (Lunes sa Manila) sa mapaghamong Oakmont course.

"For it to not affect the outcome is fantastic. It just shows how well I played,” pahayag ni Johnson, tungkol sa posibilidad na mabigyan siya ng two-stroke penalty dahil sa isang violation.

Ngunit, natapos ang torneo na isang stroke lamang ang inawas sa aksidenteng paggalaw ng bola bago niya ito natira.

Olympian boxer Eumir Marcial, di nagpatalo kay Carlos Yulo, nag-crop top na rin!

Sa kabila nito, walang epekto sa kanyang iskor ang penalty dahil sa iskor na 1-under 69 para sa tatlong stroke na bentahe laban kina overnight leader Shane Lowry, Scott Piercy at Jim Furyk.

"I still didn't want the penalty. I didn't think that I did anything to cause the ball to move," pahayag ni Johnson.

"But at the end of the day, it didn't affect what happened. So it doesn't bother me at all."

Kaagad na kinarga ni Johnson ang 18 buwan na anak na si Tatum at kasama niya ito nang itaas ang silver trophy sa pagdiriwang ng ‘Father's Day’.

"I've been here a bunch of times and haven't quite got it done," sambit ni Johnson. "But today, I did. And it feels really good."

Kumubra si Johnson ng kabuuang 4-under 276, pinakamababang winning score sa nakalipas na siyam na US Open sa Oakmont.

Iginiit ni Jack Nicklaus, nakamit ang una sa 18 major sa Oakmont noong 1962, na kaagad sanang nagdesisyon ang USGA hinggil sa one-shot penalty ni Johnson upang hindi na ito naging balisa sa kabuuan ng laro.

Sa kabila ng alalahanin, siniguro ni Johnson na hindi na siya papalpak tulad sa mga nakalipas na kampanya sa major tournament.

Nakaamba na ang panalo ni Johnson sa US Open sa nakalipas na taon nang maipuwesto niya ang bola sa final hole para sa 12-foot-eagle putt. Kailangan lamang niyang maka-birdie para maipuwersa ang playoff, ngunit naiskor niya ang three-putted par at matalo ng isang stroke kay Jordan Spieth.