Safari-1

BUKOD sa iba’t ibang hayop na makikita sa mini-zoo na itinatag ni Chavit Singson sa kanya mismong bakuran, may karagdagang atraksiyon ngayon sa Baluarte, ang Safari Gallery.

Laman ng Safari Gallery ang mga koleksiyon ni Chavit sa kanyang hobby bilang hunter sa Africa. Naka-display rito ang animo’y mga buhay at naglalakihang elepante, tigre, lion, bear, deer heads at marami pang iba.

Ang mga koleksiyon na ito at mga buhay na hayop ay sa Baluarte Zoo lang makikita, kumpara sa zoo sa ibang lugar.

Human-Interest

Albay LEPT topnotcher nagbigay ng tips sa mga susunod na board exam takers!

Bukod sa mga tanawing ito sa may 80 ektaryang Baluarte Zoo, mapapanood din ang tiger show at buhay na mahahawakan ang ahas at maamong parrot. Makikita din dito ang monkeys, camels, deers, ostriches, peacocks, mga agila, pythons, iguanas at maraming iba pa.

Matutunghayan din dito ang Butterfly Garden at ang iba’t ibang lahi ng mga parrot. Patok din para sa picture taking sa dinosaur statue na may taas na 40 feet. Libre ang pagpasok dito, maliban sa minimal fee sa pagsakay sa kabayo at voluntary donation sa Safari Gallery, para magamit sa maintenance ng pasilidad.

Ang Baluarte Zoo ay regalo ni Chavit sa mamamayan ng Vigan City at nagsisilbing tourists destination sa Ilokandia.

Sa pamamagitan din ng mini-zoo, nabibigyan niya ng livelihood ang mga residente sa pamamagitan ng souvenir stalls sa loob at labas ng zoo.

[gallery ids="176840,176837,176836,176835,176832,176826,176827,176828,176829,176830,176824,176823,176821"]