Ni ADOR SALUTA

Janella & Elmo
Janella & Elmo
NATATALIAN ng pulang ribbon ang daliri nina Elmo Magalona at Janella Salvador nang maging panauhin sila sa Tonight With Boy Abunda bilang bahagi ng promo ng kanilang seryeng Born For You na mapapanood na simula ngayong gabi sa Kapamilya Primetime Bida.

Paniniwala ng mga naunang tao sa ilang bansa sa Asya, gaya ng Japan, ang sinasabing pulang ribbon o red string of fate, na ang taong ipinanganak ay mayroon nang nakatakdang makakasama sa buhay.

Ipinaliwanag ni Elmo ang tungkol sa Japanese folklore na magiging tema sa serye. “When we’re born, we are destined for someone else who is also wearing an invisible red string on their pinky finger,” ani Elmo.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Dagdag ni Janella, “The end of your red string is supposed to be the person you’re destined for.” 

Kaya ang buwelta naman ni Kuya Boy, “So you’re not in search anymore of your destiny because you are already connected to each other.” 

“We found each other already,” sagot ni Elmo. 

Tinanong sila ni Kuya Boy kung sila na nga ba? 

“Kevin and Sam are destined together,” sagot ni Elmo, na ang tinutukoy ay kani-kanyang role sa Born For You.

Dugtong ni Janella, “Feeling ko, destiny depends on fate but it also depends on when you make a choice. You have to make (the choice).” 

Pressured ba sila para maiparamdam sa lahat na couple na sila? 

“I truly believe in what we have to offer on Born For You. I don’t think we have to be a couple as of now to show the people that we have that chemistry going for us,” ani Elmo. 

Salo naman ni Janella, “Plus, we just got to know each other just months ago. Right now we’re just enjoying what we’re doing.” 

Masayang-masaya si Elmo na siya ang napiling katambal ni Janella sa naturang serye.

“I’m super blessed to be in this show, and to work with Janella for my first ever show in ABS-CBN,” sabi ng binatilyo.

Ang huling hirit na tanong ni Kuya Boy sa dalawa, “Is there a possibility that you guys would realize that you were actually born for each other?”

“There’s a possibility,” sagot ni Janella. 

“Yes,” napasigaw na sagot naman ni Elmo.

Well, bagay nga silang dalawa on and off-cam. Kitang-kita at ramdam na ramdam ang chemistry nila. 

Harinawa, kabilang ang dalawa sa sinasabing may may red string of fate kung hindi man para sa isa’t isa ay para sa nararapat na mga taong nakatakdang para sa kanila.

Common knowledge na may naiwanang girlfriend sa dating home studio si Elmo. Pero single naman si Janella.

Abangan natin ang mga susunod na kabanata—reel and real life!