Tampok ang pagsasagawa ng kinagigilawang zumba marathon sa apat na pangunahing parke sa bansa sa ikatlong taon ng pagdiriwang ng Laro’t-Saya sa Parke Play ‘N Learn ng Philippine Sports Commission.

Isasagawa ang munting selebrasyon sa Hunyo 25 sa Liwasang Aguinaldo sa Kawit, Cavite simula 5:00 ng umaga, at sa Fountain Area ng Quezon City Memorial Circle.

Isasagawa naman sa Linggo (Hunyo 26) ang selebrasyon sa Pinaglabanan Park sa City of San Juan kasabay ang mga nagsisidalo sa Burnham Green (Carabao Area) sa Luneta Park.

Samantala, umabot sa kabuuang 158 ang nakiisa sa Laro’t-Saya sa Parke sa Kawit kung saan 115 sa Zumba, 15 sa badminton, 18 sa volleyball, at 10 sa taekwondo.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

Paglalabanan muli ang kategorya na 18-45 years old at 46-60 years old na may nakalaang premyo para sa una hanggang ikalimang puwesto.

Isinasagawa rin ang LSP sa mga lugar ng Iloilo City, People’s Park sa Davao City, Bacolod Plaza sa Bacolod City, Plaza Sugbu sa Cebu City, Pastrana Park sa Aklan Province, Burnham Park sa Baguio City, E-Park sa Tagum City, Plaza Burgos sa Vigan City at sa San Carlos City Plaza sa San Carlos City. (Angie Oredo)