HINDI na maitatangging na-attach na ang Asia’s Songbird sa mga anak-anakan niya sa Poor Señorita na sina Ayra Mariano, Caprice Cayetano, Jillian Ward, Miggs Cuaderno, at Zymic Jaranilla.

Sa Instagram account ng Kapuso actress, madalas makita na nakikipag-bonding siya sa young stars kahit wala silang taping. Sa katunayan, ngayong araw ay magkakasamang nag-bonding ang cast sa bahay ni Regine dahil wala silang taping.

Naging malaking pamilya na sila at itinuturing na niyang sariling anak ang young stars.

Sa isang panayam, nagpahayag si Ayra ng malaking pasasalamat sa napakabait na trato at pagiging supportive sa kanya ng Asia’s Songbird.

Tsika at Intriga

Gretchen kumain ng 'piattos' habang pinanonood si PBBM: 'The New Teleserye'

Naililipat ang samahan nilang ito sa screen kaya naman mas madaling mahalin ng mga manonood ang kanilang show.