BEA copy

LAST taping day na bukas (Lunes) ng Afternoon Prime ng GMA-7 na Hanggang Makita Kang Muli at makakausap namin ang cast dahil bibisita kami sa taping na sa Cavite pa yata ang location.

Matatanong namin si Bea kung ano ang mami-miss niya sa taping at kung ano ang mga natutuhan niya habang ginagawa ang Hanggang Makita Kang Muli. Matanong na rin siya kung kailan nawala ang takot niya kay Direk Laurice Guillen.

Siyempre, hindi namin kakalimutang tanungin si Bea kung totoong nanliligaw sa kanya si Jak Roberto, gumaganap na best friend ni Derrick Monasterio sa soap. Ipinatatanong din ng fans ng aktres kung galing kay Jak ang natanggap na fruits at teddy bear ni Bea.

Kahayupan (Pets)

Asong inabandona sa paradahan ng tricycle noon, 'poging-pogi' na ngayon

Wanted din sa amin si Ina Feleo, gumaganap na Odessa at main contravida ng soap. Malalaman namin ang reaction niya sa mga nagagalit sa kanya dahil sa mga kasamaang ginawa niya kay Bea.

Nakaloloka ang reaction ng ibang viewers, pinipersonal ang napapanood sa telebisyon. May ilang sobra ang galit kay Ina at mayroon pang minura siya dahil lang sa mahusay na pagganap sa karakter ni Odessa.

Sa June 24 ang final episode ng Hanggang Makita Kang Muli, gustong malaman ng sumusubaybay sa soap kung papatayin ba ang karakter ni Ina. Gusto ring alamin ng viewers kung ano ang gagawin ni Direk Laurice at mga writer sa karakter ni Kim Rodriguez na isa pa sa kinamumuhian sa afternoon soap. (Nitz Miralles)